Hindi ba't masaya na mahalin at alagaan ng mga magulang o ng iyong pamilya? Ang maramdaman ang kanilang pag aalala at pag aalaga lalo na kung tayo ay napapahamak o nasa panganib ngunit may katulad natin na mismong ang kanilang mga magulang o kapamilya ang nananakit sakanila. Sapagkat ang ibang mga magulang ay hindi ito kinokonsidera na child abuse, kung hindi pag didisiplina sa kanilang mga anak. Oo sa tingin ng iba ang pagdidisiplina ay upang matuto ang kanilang nga anak. Pero naniniwala ako na may tamang paraan ng pagdidisiplina at hindi ito sa pamamagitan ng mga pisikal na pananakit o iba pang pang aabuso. Marahil ang isyu na ito ay hindi napapansin ng iba bagkus ito ay maraming naaapektuhan lalo na ang mga kabataang naaabuso
Itong child abuse na ito ay may malaking parte sa karanasan ng isang bata at maaaring magresulta sa matinding kalungkutan, depression o trauma dahil sa tingin nila wala na silang kwenta sa ating mundo. Bakit? Dahil kung sino pa ang dapat na nag aalaga, nag mamahal at nag poprotekta sa kanila, yun pa ang nagpaparamdam sa kanila na wala silang halaga sa mundong ito. Subalit hindi lang naman mga magulang ang nakakagawa ng "child abuse" maaaring kapamilya o ibang tao at ang kanilang pang aabuso ay hindi makatarungan para sa mga batang walang kalaban laban sa pang aabuso sa kanila at ang tanging pag sigaw at pag iyak na lamang ang kaya nilang gawin dahil ano nga ba ang laban ng mga bata sa mga nangaabuso? Mga batang nakakaranas ng kanilang matinding pagsubok sa buhay.
Kaya bilang isa sa mga kabataan sa ating lipunan ngayon, wag nating gawing biro ang isyu na ito sapagkat ang mga bata na ito ay nangangailangan ng ating tulong. Ang mga bata na walang kalaban laban sa pang aabuso sakanila at ang tanging pag asa nalang nila ay tayo. Tayong mga tao na nasa paligid nila. Tulungan natin sila na makabangon muli sa kanilang madilim na karanasan. Dapat silang bigyang kalinga, pagmamahal, maayos na pakikitungo at magandang edukasyon upang maging isang mabuting mamamayan ng ating bansa dahil ang kabataan ay ang pag asa ng bayan. Atin silang bigyang halaga at ating kukayan muli ang madilim nilang karanasan.
Comments
Post a Comment